Advertisement
Article
Audition Main » Article

McJelly Trio Girl, Rhian Ramos--ang pinakabagong Audition Kabarkada!

Pure things in life where everything's sweet
Laughter and fun every time we meet
My lips form a smile my hearts all a glow
Tell me is this love…or is it McJelly Trio

Pa pa rap pap pap
Love ko 'to



Who could forget these lines kung si Rhian Ramos ang pinag-uusapan? Dito s’ya unang napansin at nakilala, sa commercial ng McJelly Trio.


“When I stepped in the audition room for the McDonald’s ads, God already had showbiz in mind because the way everything happened was as if the ad was reserved for me,” pahayag ni Rhian sa interview ng iGMA.


Mula noon, malayu-layo na rin ang kanyang narating. Nabihag niya ang mailap na puso ni Captain Barbell, napaamo ang mabangis na si Asero, napaibig ang gwapung-gwapong si Facundo Diaz, at nitong buwan lang, pinatunayan nila ni Zorro na love conquers all sa katatapos lang na Pinoy adaptation ng Zorro.


Ngayon, hindi lang ang mga poging leading men ng GMA-7 ang napahanga ng Welsh-Filipino mestiza kundi maging ang buong Audition Community!


“Hi, Audition! Thank you for having me in the barkada. I’m so happy to be part of the community. Abangan n’yo dahil marami pa kaming surprises for you,” bati ni Rhian.


That’s right, si Rhian Ramos nga ang panghuling celebrity Audition Kabarkada! We’re lucky to have her dahil kahit isa si Rhian sa mga most promising stars ng taon, she remains unpretentious and humble.


“I’m just me, I don’t pretend to be anyone else. I make mistakes and I accept that no one is perfect and kasali na ako doon,” sabi niya sa isang interview, bagay na ikinatuwa ng mga Audista.


At kung may isang mensahe man s’ya para sa mga Audista na gustong maging artist na gaya n’ya, eto yun:


“Just go for it. Never give up.”


Oh ha? San ka pa? Bonggang bongga talaga ang Audition Barkada!


Abangan ang iba pang articles about Rhian Ramos dahil sa mga susunod na araw ay unti-unti namin siyang ipapakilala sa inyo.


Articles





Advertisement